ni Norma Wilcayco
Ang pagkakaroon ng dangal, ang isa sa pinakamahalagang regalo na maaari mong maibigay sa sarili mo.
Bilang isang tao, na namumuhay sa sanlibutang ito, kilala pa ba ng nakararami ang salitang iyan? ang pagkakaroon ng DANGAL?

LANDAS.
Kung tutuusin, wari bang isang malayong landas ang tinatahak ni Cris, ang pangunahing karakter sa istorya. Maraming pangyayari ang gumawa ng malaking epekto sa kaniyang pamumuhay. ‘yung tipong akala mong tuwid lamang na daan, marami palang bako bako katagalan.

Maraming natetegok sa maling akala.
Nakahanap ng katapat si Cris. Meron siyang natipuhang dilag pero di nagpakagat sa pain niya. Paano, itong dilag na ito ay merong dangal sa sarili.

BABA NA TAYO.
Huwag manghusga kaagad.
Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng iba, bago magsalita nang tapos.

SALAT.
Kung ikaw ba ay salat sa yaman, at pilit mong gustong maka-angat sa pamumuhay, maninindigan ka pa ba sa dangal mo?

TEMPTASYON.
Nabigyan ng malaking halaga ng salapi. Winaldas. Winaldas nang winaldas na akala mo'y wala ng bukas. 'yan ang inatupad niya.

WEK.
Kaso sablay, e. Nagpatalo pa rin ang dilag sa apoy ng temptasyon. Alukan ka ba naman ng 1.1 milyon, tatanggi ka ba?
Malamang sa malamang dahil sa hirap mamuhay sa mundong ito, kahit gaano pa katibay ang dignidad mo, bibigay at bibigay ka talaga.