
Tunay ngang kamangha mangha ang akda ni Eli Guieb, pagkat kahit na ang akdang ito ay patungkol sa pag-ibig, ay hindi ako naburyo sa pagbabasa. Napakarami niyang nagamit na tayutay, at isa sa mga ito ay ang pagtutulad. Pinagkumpara niya ang iba’t ibang bagay at pangyayari sa isang Saranggola.

Lubos na nagkaroon ito ng kurot sa aking damdamin, at sa pag-usad ng kwento ay tunay nga akong naapektuhan. Namuo ang mga tanong na bumabalangkas sa aking isipan,
Bakit kailangan nilang mag hiwalay? Bakit kailangang wakasan na ang kanilang pinangako sa isa’t isa? Sa pagkakatanda ko, ang kasal ay sagrado, ang kasal ay isang pangako na habambuhay mong dapat panindigan.
Napakagaling ng may akda, sapagkat nakapagbigay siya ng kwentong makakaapekto sa mga paniniwala mo sa bagay bagay.
Napagtanto ko na hindi lamang dapat ako tumingin sa iisang direksyon, sapagkat iba’t iba ang pananaw ng tao sa buhay. Sabi nga sa akda ay kahit pa walang alitang naganap ay hindi na dapat maghiwalay, kung wala nang pagmamahalan